Ang tagal…

Ang tagal maligo ng kapatid ko kaninang umaga.

Ang tagal ng inaabangan kong teleserye sa tv.

Ang tagal ng train ng lrt sa may Edsa.

Ang tagal kong inisip itong linyang ita-type ko.

Ang tagal ng inaasam kong papuri.

Ang tagal ng kasama ko bumaba.

Ang tagal ubusin ng lalake ang kanyang frap sa SB.

Ang tagal ng oras.

Ang tagal umusad ng impeachment ni Corona.

Ang tagal ng bagong labas na Manga.

Ang tagal mawala ng tigyawat ko sa ilong.

Ang tagal sumikat ni Punongkahoy.

Ang tagal ng paborito kong ulam na naaamoy ko na.

Ang tagal bago sagutin ni Grace Lee si PNoy.

Ang tagal mag-laos ng facebook.

Ang tagal mamatay ng friendster.

Ang tagal umalis ng mga taong nanghihingi ng abuloy para sa patay na buhay.

Ang tagal lusubin ng US ang iran.

Ang tagal lumabas ng puu-puu ko.

Ang tagal mangotong ng MMDA sa driver.

Ang tagal mawala ng kanta sa isip ko.

Ang tagal ng reply ng ka-text ko.

Ang tagal mong nawala.

Ang tagal pumatol ni Mosley kay Pacquiao.

Ang tagal ko ng hinihintay ang mukha ni Big Brother.

Ang tagal na ng binabasa mong ito.

Ang tagal na kitang pinagtritripan.

Ang tagal mo naman ilipat.

Ang tagal talaga.

Ang tagaaaal….

Ang tagal ko na palang hindi ng popost dito…

Ang tagal na no?

i like it…

Paano mo ba masasabing gusto mo ang isang bagay o hindi? May basehan ba talaga ang pagkagusto mo o wala? Trip mo lang ba ito o talagang ganun lang talaga? Nililike mo ba ito dahil gusto mo? O dahil sa uso kaya ginagawa mo? ANO BA TALAGA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAUSO PA ANG LIKE SA FACEBOOK???

Hindi naman ako mahilig magpipindot at pakielaman ang aking account sa Facebook, kunting pindot (click), unting tutok(click), unting kalabit(click), unting himas tingin(click), at ayon! Tapos na ako magFB.

Sa panahong ito, hindi ka in pag wala kang facebook account. MaOOP ka, kapag wala kang _____ville. Kayo nalang ang magfill in jan. At hindi ka cool kapag wala kang, “like” sa account mo. Naalala ko, may nagpost sa wall nya,  “Hindi ako matae, badtrip” at himalang naka 22 likes siya. Hahahaha. Hindi ko mapigilang hindi tumawa. Ako kaya? Magpost ako ng, “Ung tooootot ko, si baby junior, ayaw ng tumigas, badtrip.” Makakakuha kaya ng like yan? Hehehe.

Bakit nga ba may nalilibang dito? Dahil sa nakakarelate sila? Ibig sabihin ung mga naglike sa post na nakita ko, hindi rin sila matae? at ang magla`like sa ipopost ko? hindi na tumitigas ang kanilang tooootot? Yan ang hindi ko pa alam. At sabay sabay nating alamin ang sagot.

P.S. (Punongkahoy Says)

PLEASE LIKE MY POST! hahaha. thanks. 😀

Sisinghot..

Sembreak na!!! Pero parang hindi ko pa ramdam ang bakasyon, naiwan kasi ang puso`t isip ko sa eskwela. Nangangamba na baka bumagsak, nagiisip kung may mapapasa. Buti pa yung mga bata sa kalye namin. Takbo dito, “singhot”. Ahhhh! Taya ka!, “singhot”. Takbo palayo sa taya, “tulo sipon (nakalimutan suminghot)”.

Noong bata pa ako gustong gusto ko ang panahong ito. Ang mahabang panahon na wala akong iisiping bolpen at papel, walang assignment, walang gurong naninigaw at ang higit sa lahat walang guidance pag nakipagaway ako. Sa gantong panahon din ako pede maglaro hanggang sa mawalan ako ng lakas. Dati, ang pinakapaborito kong laruin ay yung pogs at teks.

Kaunting background sa mga parapernalya kong ito.

TEKS – ito yung maliliit na karton na hugis rectangle, na may nakalagay na guhit sa harap at likod nito. Mayroon din classic na teks. Yun yung komiks ung harapan, tas` blanko ung likod. Hindi ko na talaga ito naabutan, nakita ko lang dati sa may drawer ng lolo ko, mga isang dangkal din ata un. Yung mga classic na teks extinct na siya ngayon. Cool!

POGS – parang teks din pero mas makapal yung karton at pabilog ang hugis. Oo nga pala, walang classic (komiks) tong pogs. Kung meron man, baka lolo ng lolo ko pa ang nakalaro nun.

Kanina, ang aga ko nagising. Brownout sa bahay, kabagot. Nagikot-ikot ako `tas may nakita akong tumpok ng pogs sa may ilalim ng upuan. Tinignan ko kung anu-ano na ang itsura ng pogs ngayon at tulad ng inaasahan nagulat ako sa nakita ko. SHOCK!

Ayon sa napansin ko mayroon tatlong klasipikasyon ang pogs ngayon. Siguro o malamang ganto narin sa teks.

1. Anime/Cartoon-type Pogs or teks

– Heto! Matagal ko ng alam to. Noong bata pa ako, eto lang ang klase ng pogs at teks na makikita mo. DBZ(DragonBall Z), pokemon, gundam, slamdunk, barbie, hello kitty tska ang favorite ko sailormoon na pogs. Pero joke lang un. OO, JOKE NGA LANG! LOL! Lahat ng pambatang palabas na anime at cartoons nasa pogs at teks noon. Matitindi yan. Lagi kong gamit dating pamato si GOKU na may attack power na 9989999. Parang hotline number ng fastfood delivery. Hahaha.

2. Computer games-type Pogs or Teks

-Habang namamayagpagang computer games generasyon natin ngayon, pati mga pambatang laruan pinasok na nila. Sa totoo lang medyo naiingit ako. Sayang ang sarap siguro gamiting pamato si mirana o di kaya si traxex. Hahaha. Dota rules kahit sa pogs at teks. Pero hindi pa yan, dito ako mas natawa. May plants vs. zombies din na pogs. RAAWRR! BRAAIIINS! Tindi talaga. Nako! (Tip: Mas maganda gamitin si traxex, may attack power siya na 1000000, kesa kay mirana na pogs. Maganda rin ung wall nut na pogs. :D)

3. Real life-type pogs or teks

-akala ko matindi na ung number 2. Pero may mas titindi pala dun. Tatambling ka sa kakatawa. Tingin lang ako sa pogs na nakita ko. Lipat. Una kong nakita, Lebron James na pogs. Astig! Pati NBA may pogs narin. Lipat, lipat. Sunod kong nakita, Wowowee na pogs. Astig parin. Kahit mga noontime show meron ng pogs (although wala ng wowowee, sikat parin sila sa mga bata dito sa amin), sayang wala akong nakitang showtime na pogs “sample! sample!”. Lipat ule, lipat, lipat. WTF! OMG! WAAH! Mukha ni Manny Villar. Hahaha! Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Pano kung may naglaban na bata?

EKSENA:

Bata naglalaro ng pogs.

SANGKOT:

Bata 1 – pato si Manny Villar

Bata 2 – pato si PNOY

“Bata 2: TAYA NA!”

“Bata 1: Eto, nasa lapag. Tatapakan ko baka hanginin.”

“Bata 2 (titira): Oooopss! Akin!”

“Bata 1: Ayaw ko na! Ang lakas ng pato mo ehh. Sayo presidente sakin naliligo lang sa dagat ng basura. DAYA!”

Hindi ko siguro kakayanin kung ganto maglaro mga bata ngayon. Hahaha. Mapapaos ako kakatawa. Hindi narin ako magtataka kung sa susunod na mga panahon eh, may pogs o teks ng pampers o di kaya modess ung nakalagay.

“Bata 3: Ayaw ko ng sumali sa inyo! Grrrr! Akin na yang pamato kong modess, gagamitin ko pa yan bukas.” LOL! :))

Paiba-iba man ang itsura, nakalagay, nakaguhit sa mga laruan ng mga bata ngayon isa parin ang layunin nito. Ang makapaglaro, makapagsaya, makipag-bonding ang mga bata sa mga kalaro nila. Ang sarap talaga maging bata. Uuwi, kakain, maglalaro, maghihilamos, tatae, matutulog. Lahat ng gusto pedeng gawin. NAKO! Those good old days nga naman. Singhot (naalala na suminghot).

Ikaw ano ba paborito mong laro o laruin ng bata ka? 😀

Nagbubura ng kalawang..

Ahemmn… Hindi ko alam kung ano ang magandang intro dito, pero halina’t basahin ang mabahong post kong ito! COOL 😀

Teka, unang beses ko to gagawin, isinulat ko muna sa papel ang gusto kong ipost tsaka nilagay dito. OO! Nagsulat muna ako, nag-draft at nagbura (sobrang daming bura). Badtrip nga kung kailan gusto ko magpost eh, ayaw naman maconnect ng laptop sa internet. RAWR! Nagugutom tuloy ako. >.<

Isa sa mga kahinaan ko ang pagsusulat. Ewan ko ba? Kahit anong pilit kong pagandahin ung sulat ko eh, parang inapi at ginulpi yung sulat ko. Syempre damay narin jan ung pagdrawing at kung anu-anong sining ng bolpen, lapis at papel.

At kung kalakasan ko naman ang itatanong mo, meron naman ako nun. At un ay ang pag-bura. HAHA. LOL. Sa bawat papel na hinahawakan ko, sa bawat papel na sinusulatan ko, sigurado may mali akong magagawa. Alam ko un! Imposibleng hindi ako magbubura kahit isang besesa sa ginagawa ko. Clumsy! Pero hindi rin. Dun lang talaga ako malakas. Let`s rock!

Mabilis akong makalimot sa mga bagay-bagay. Minsan nga pati pangalan ng kamag-anak ko eh nakakalimutan ko. Siguro dahil narin sa “stress” na tinatawag, kaya ako ganto. Pero bata palang ako ganto na ko. Ngayon nga, panay ang hawak ko sa pantalon ko, nakalimutan ko kasing kung san ko tinabi ung belt ko. Sigurado hindi ako pedeng makipaglaro ng habulan ngayon. Ilang hakbang ko palang kita na agad ang underwear ko at ang iniingatan kong si Totoy. (Totoy – ung pera ko. Oo. Nagiipit pa ko ng pera sa brief ko, pero minsan lang. :D)

Maraming tao ang madaling makalimot, pero mas marami ang hindi. Ewan ko ba kung ano ang pinanghahawakan nila sa buhay. Masarap. Sobrang sarap pag wala kang hinanakit sa buhay, sa kapwa mo o sa kahit na ano. Sabi nila (baka tsismis lang), kapag nagtanim ka ng sama ng loob, maglalabas ng kakaibang toxin ang katawan mo at kinalaunan pwede itong maging cancer. Kaw? Gusto mo kanser?

Yung buhay para ring papel. Bawat sulat, nakatatak. Kung lapis lang ang pinangsulat mo, pangmadalian lang to, pwedeng burahin. Pero napakalaking usapan kapag bolpen na ang ginamit mo. Hindi tulad ng lapis pambura lang mabubura na, pero pag bolpen magiiwan to ng marka ng pagbura, minsan masasabi nating maganda ang kinalabasan ng pagbura mo, dahil mapapalitan mo ung maling nagawa mo ng mas maganda, pero syempre nandun parin ung dumi ng pagbura mo.

Naku-naku. Kay dumi nga naman. Hahaha.  <—BURA

« Older entries