Internetable ..

Grrrr! Ilang araw na akong hindi nakakain ng maayos. Dati rati ang sipag nilang magluto. Gigising ako, tatayo, maliligo, magbibihis at kakain. Ganun! Tapos uuwi, magbibihis, mag-aaral, tapos kakain. Diba? Ang sarap mabuhay? Pero ang mga pinoy nga naman. Puro umpisa lang, hindi rin nagtagal ang maliligayang araw ko. Ngayon ang ginagawa ko nalang sa bahay eh, matulog, maligo at magaral. Yun at yun nalang. Anyways, hindi ko rin naman gusto yung mga niluluto nila. (Hahaha. Bitter!)

Teka`teka. Punta tayo sa tunay na usapan. Na-try mo na bang hanapin ang pangalan mo sa internet? I-google ang whole name mo at isa-isahin ang mga webpages na lumabas? Ako hindi pa. Pero ito, itatry ko na!

Diba ang sarap sumikat? Yung sa bawat sulok ng makamundong internet eh, kaw ung pinaguusapan. Laman ka ng status ng Facebook. “Waaah! Inadd ako ni Punongkahoy sa Facebook! Friend ko na siya. Harhar!”. O kaya sa twitter. “I love Punongkahoy berimatch”. Mga ganun bagay? Hindi ba parang nakakapanlaki ng ulo? Hahaha.

(Teka usapang ulo muna. Gumulong ako kakatawa nung magreact ung kasama ko kay Charisse <tama ba spelling ko?> Pempengco. Mapapanood na daw siya sa GLEE bukas. Sabi ba naman niya. Nakakaasar naman to si CP hindi lang sa literal malaki ang ulo. Haha. Pati ba naman si CP pinagiinitan. Hahaha. Oh well.)

Sa generasyon natin ngayon. Hindi ka IN pag wala kang friends sa friendster. Tiga-bundok ka pag hindi ka nagtwitweet sa twitter. At sasabihing baka kapatid mo si Lapu-Lapu pag hindi ka marunong magFarmville sa Facebook.

Ang daming tulong ng internet ngayon, assignment mo, dati encyclopedia at napakaraming libro ang katapat, ngayon si wikipedia lang, SOLVE kang assignment ka. Dati sasakit muna sa kakasulat ang kamay mo, para mapadalahan ng sulat ang tatay mo. Ngayon, mata mo nalang sasakit kakatype ng e-mail sa tatay mo. Hindi ba? You could enjoy life to its fullest.

Pero siyempre hindi lang maganda lahat ang nabibigay nitong internet.

Sa internet ngayon may cybersex.

May Hentai, porn at kung ano-ano pang malalaswang bagay.

Wala kang privacy. Kahit sino pwede kumuha ng picture mo. O kahit ang pagkatao mo mismo.

Nagiging tamad ang mga tao.

AT pwede kang MAGBLOG. (joke!)

Sobrang daming dahilan. Sobrang daming dahilan na kinaganda at kinasama ng internet sa atin. Halos lahat na ng bagay dinadaan sa internet. How to cook .. How to prepare.. What is the .. How much is.. Where do i find .. Who is your crush.. Who am I..
LAHAT! as in lahat nasa internet na. Meron kayang mga kompanya na bago ka ihire sa kanila eh, isesearch muna ung name niyo sa internet. Tapos kabahan ka, paglumabas sa search engine eh mga kriminal, estafa, murder, pickpocket, arson o trespassing kasama ang pangalan mo. Syempre magrereklamo ka. Baka kapangalan mo lang un. O naninira sayo. Pero wala ka ng magagawa, ganun talaga. Malas mo! Kaya nga ang panahon natin ngayon is internetable ehh. Lahat nadadaan sa internet. HAHAHAHA!!

(Tapos ko na isearch ang pangalan ko! Wala namang maganda lumabas sa Google. badtrip! sabi na eh. HINDI AKO SIKAT!)

A funny Language..

I was walking in the midst of nowhere, when suddenly wind blows,(grrrr. its cold) and daraan, i got an interesting idea. Guess what?!? That idea is freaking great! I know it will begin of something new and something fun. BTW, “New” is a three letter word having a freaking meaning. New means different, and different means cool! COOL and freaky. @_@

What’s good about being new? Oh well, nothing special about. But for me, NEW means a lot. I love new things, i love trying new flavors of  life and most of all i love to be new. (knew) haha. Oh c’mon im joking didn’t you get it? Hahaha. Seriously, I thought of  punongkahoy having an overall material balance makeover. Even if its web address is in filipino, the meat will be in english. I want to target more readers. If my medium is in filipino, only Filipinos can understand. But if, I made it in english, almost all can enjoy it. So what do you think? Is it a good idea? or a really really good idea? Oh well! Either way. AYOKO! Ang hirap hirap magenglish. Yang dalawang paragraph na yan. nakailang oras ako bago itype yan. hindi ko pa nga alam kung tama ung grammar nyan ehh. Kahit hindi na sumikat tong si Punongkahoy sa ibang bansa. Kahit sa Pilipinas nalang. Kesa naman sa mahirapan ako. At mawalan ng dignidad, pag may nagbasa ng blog ko at sabihing “SHET! ano bang blog to, ang bobo magenglish”. Hahaha. Hindi ko na susubukan. NAKAMAMATAY!

Pero sa totoo, gusto ko talagang gumaling mag`english. Magsalita at magsulat. Naalala ko ung kwento sakin ng tatay ko. Sabi niya nung nagaaral siya, halos lahat daw ng kaklase niya sa english 101 sa USTe  eh puro mga bisaya. Kaya pag kinakausap niya ung mga classmates niya, magsalita lang siya ng “WHO AM YOU IS?”, napapanganga na ung mga kaklase niya sabay papalakpak, dahil bilib na bilib sila sa english bokabulary ng tatay kong mayabang. Totoo naman. Cool kaya pag nagsalita ka. Dirediretso walang tigil na may accent na english! YUN !! Tindi nun! Talagang matindi yun!

English is a funny language

There is no egg in eggplant

No ham in hamburger

Or neither pine nor apple in the pineapple.

English muffins were not made in england.

Boxing rings are square.

And neither the guinea pig is from guinea nor it is a pig.

Hahaha.. Tula yan. Yan ung tinula namin nung hiskul. (Ung iba jan nagramble`ramble na. at kulang talaga yan)

Basta ENGLISH is both funny and cool!

Gusto ko narin pala itake tong chance na to, para sabihin sa lahat ng bumabasa nito na! DANDARRRAAAAAN!! napakasaya ko. Masaya ako kasi may nalaman akong bagay na matagal ko ng gustong marinig at malaman! Hahaha. What you sow is what you reap! And I will reap it SOOOOOOON!

Walang Titulo..

Sa totoo lang, wala talaga akong mabloblog ngayon. Tagal ko na naman na hindi nakakapagsulat dito, at kahit naman naisin ko na magpost eh, walang ideya ang gumugulo sa utak ko.

Nandito ako ngayon naghihintay ng mga kasama. Habang unti-unting pinapatay ang mabilis na pagtakbo ng buhay. Minsan iniisip ko mas masarap pala talagang walang ginagawa, pero hindi parati, minsan nagugustuhan ko rin ung maraming ginagawa. Ang tao talaga walang kakontentohan. At un ang laging umiiral sakin. At siguro mahihihahambing natin ang buhay na parang chess, dapat pinagiisipan, dapat pinaghahandaan ang kalalabasan. Pag nagawa mo na yung isang bagay, wala ka ng magagawa kundi harapin ito, TOUCH move kumbaga. Ang hirap magdesisyon kasi hindi mo alam ang ititira ng kalaban mo, oo pwede mong ipredict ang gagawin niya, pero hindi ka parin talaga sigurado sa kalalabasan at kung ano mangyayari. Minsan tama ung ginawa mo, minsan ipinain mo lang ang sarili mo sa kalaban at sa masamang karanasan. Ang daming pwedeng gawin, pero lahat ba un ay dapat? At kung dapat naman, may mapapala ka ba? At kung may mapapala ka, magiging masaya ka ba?

Ooooooooooopssss!!! Teka teka teka. Hahaha.. Intro lang yan talaga yan. Ang hirap talaga magpakasenti. Kabadtrip. Hahaha. Eto na talaga ung gusto kong isulat ngayon.

W A L A . . .

Eye to Eye ROMANCE !

Eye to Eye romance

Wooohoohhoohohohoooo .. Eye to eye romance ..

Wooohohohoooohohohoooo.. Eye to eye romance..

Ewan ko ba kung bakit natatawa ako pag nakikita ko tong tao to. (Right Side). Hahaha . Gusto ko lang ishare sa inyo mga kapunongkahoy. Hahaha .. Till next time.

Sya nga pala. Excited na ko sa plant visit namin sa Monday! Wish me luck!  Hanggang sa susunod na blog post !

« Older entries Newer entries »

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 399 other followers