Walang Titulo..

Sa totoo lang, wala talaga akong mabloblog ngayon. Tagal ko na naman na hindi nakakapagsulat dito, at kahit naman naisin ko na magpost eh, walang ideya ang gumugulo sa utak ko.

Nandito ako ngayon naghihintay ng mga kasama. Habang unti-unting pinapatay ang mabilis na pagtakbo ng buhay. Minsan iniisip ko mas masarap pala talagang walang ginagawa, pero hindi parati, minsan nagugustuhan ko rin ung maraming ginagawa. Ang tao talaga walang kakontentohan. At un ang laging umiiral sakin. At siguro mahihihahambing natin ang buhay na parang chess, dapat pinagiisipan, dapat pinaghahandaan ang kalalabasan. Pag nagawa mo na yung isang bagay, wala ka ng magagawa kundi harapin ito, TOUCH move kumbaga. Ang hirap magdesisyon kasi hindi mo alam ang ititira ng kalaban mo, oo pwede mong ipredict ang gagawin niya, pero hindi ka parin talaga sigurado sa kalalabasan at kung ano mangyayari. Minsan tama ung ginawa mo, minsan ipinain mo lang ang sarili mo sa kalaban at sa masamang karanasan. Ang daming pwedeng gawin, pero lahat ba un ay dapat? At kung dapat naman, may mapapala ka ba? At kung may mapapala ka, magiging masaya ka ba?

Ooooooooooopssss!!! Teka teka teka. Hahaha.. Intro lang yan talaga yan. Ang hirap talaga magpakasenti. Kabadtrip. Hahaha. Eto na talaga ung gusto kong isulat ngayon.

W A L A . . .

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 399 other followers