Royal Flush ..

Alam niyo ba yung palabas na First Time sa GMA-7 , yung palabas na hayskulserye. Tungkol sa mga binatilyo at daligita na nagliligawan at naghaharutan. Hindi talaga ako partikular dun . In short, hindi ko siya trip, gusto ko lang siya isali dito sa post ko. Haha.

First time.. Perst taym… Maraming perst taym na nangyari sakin sa perst day of school.

Perst taym ko na tumira sa ibang bahay.

Perst taym ko na mag-aral na walang nangungulit sakin makyukyut na bata.

Perst taym kong may gumising sakin para pumasok.

Pero eto ang matindi . Umpisahan natin paglabas ng room namin sa skul.

Odi lumabas na kami ng room. Lunch break na !! Yehey ! Gutom na gutom na ko . Nagkayayaan kami sa labas ng school nalang kumain. Odi sige . Lakad kami ng malayo. At AYUN ! Nakarating na kami sa canteen. Order na ! Nakita ko dun sa mga nakalagay sa estante, “SIZZLING SISIG..”. Grrrrr . Ang sarap pakinggan . “ATE !! ISANG AMAZING SIZZLING SISIG NGA PO. YUNG MATINDI AHH !!”. Nagkamali pa pala ako ng pinilahan. Ang mga ordinary dishes ehh sa left counter, tas ung mga sizzling sa special counter. Hehe. Special na special ang trato nila sakin. “Java rice o Plain, Sir?” . “Plain nalang.”. “Double plain, Sir?”. “Oo. Sige. Dalawahin mo na ung kanin.”.  At yun. Kainan na. Pumuputok-putok pa ung sisig sa sobrang init na nilagyan ng itlog sa itaas na naluto sa sobrang init ng sisig. WOW ! sarap talaga ! Tapos nilagyan ko na ng kalamansi at sili . Hayan na . Subo . Subo . Subo . Wala pang 2 minuto . Naubos ko na. Solb . Busog. Sarap mag-hibernate. Eto na pabalik na ng eskwela. Buruggooodoooong ! Krrrrrrkkk ! Weeeew. May nagrarally. May nagwawala. May gustong sumabog. May gustong lumabas !!! Nagsimulang kumulo ang tiyan ko. Nagsimula ang PERST TAYM na nagpahirap sa akin sa loob ng eskwelahan. Hindi na ako makawala sa kulungan ng aming silid. Nagsasalita ang guro ko, pero dumadaan lang to sa tenga ko patungo sa tiyan kong kumukulo patungong sa kabila kong tenga. Bawat segundo. Tiktak-tiktak. Napakabigat na parusa. “Ok class dismissed”. Parang tunog ng chorale na dumaloy sa aking pandinig. At sa sandaling ako’y nasa labas na ng aking silid-paaralan. Nagtalo ang aking isip at damdamin. Sino nga ba ang susundin. Ang isip, na ang sabi wag ka dito sa eskwelahan dahil wala ka ng mukhang maihaharap sa iyong mga kamag-aral pag dito mo inilabas yan? O? Yung damdamin mo (commonly tiyan), na kanina pa nagtitiis na ilabas ang tinatago tago nitong mahalagang  bagay na dapat ng ilagay kung saan siya nararapat ? Napakahirap na desisyon. Pero sinunod ko ang UTAK ko. Weew. Lakad ng malayo.. Hawak sa tiyan.. Akyat sa LRT.. Hawak sa tiyan.. Sakay ng LRT.. Hawak sa tiyan.. Baba ng LRT.. Hawak sa tiyan.. Sakay ng Jeep.. Hawak sa pwet, ay este sa tiyan.. Sakay ng pedicab.. Hawak sa tiyan.. Tumatakbo !! Kumakaripas !! Binuksan ang pinto !! Pinagpapawisan !! Binuksan ang ilaw !! Umupo !! ………………

At FLUSH ..

Stomach School of Liberty.

Hehe . Tagal ko na ulet hindi nakasulat dito kay punongkahoy .

Bukas ! Bukas na ang bagong kabanata ng maraming kabataan sa Pilipinas . Kabanata na pwede nilang sulatan at gawan ng sariling istorya .  Para sakin napakahalaga ng araw-araw na pag-pasok sa eskwelahan . Hindi dahil sa aking mga natutunan dahil ang sarap ng pagkain, at malaya akong kumain hangat may mabigat at kumukuling-ling sa aking bulsa .

Oo, tama ! Sa eskwelahan ko natagpuan ang tunay na demokrasya ng Pilipinas , na ang ilan kung saan`saan pa hinahanap at pinaglalaban .

Noong hayskul ako, limitado lang ang pagkain na napupunta sa aking kumukulong sikmura . Anjan ang walang kamatayang RC Cola at Coke Sakto. Hehe. At siyempre ang matigas at pang`gasgas ng gilagid na Nova at Cheez-it, at lahat ng klaseng matitigas at maalat na pedeng isuksok sa bibig . Kung may maiba naman na makakain na hindi matigas ito ang aking oltaym peyburit. Tandadan, dadadadaaaaaan ! Ang Fudgee Bar . Hehe . Napakaliit ng mundo ng hayskul. Limitado lahat ! Simula sa pagkain hanggang sa kalayaan mong magdesisyon sa mga bagay-bagay .

At ito. Ito na ! Ang kolehiyo . Hindi naman gaano kaalaala ang mga pagkain sa unang kolehiyo kong napasukan . At dahil pang`publiko lang ang una kong eskwelahan, ang mga kainan eh, karendirya . Maraming karendirya sa eskul ko dati , meron sa loob, meron sa labas, at meron sa taas . Haha . Depende sa gusto mong kainin at depende sa kung magkano ang gusto mong makain . Kung sa loob, mahal. Kung sa labas, sakto lang. At kung gusto mo para kang nag`Divisoria na nakatipid ka ng kalahati sa inaasahan mong presyo , anjan ang taas . Lahat sila masarap . Pwera lang sa tubig nilang lasang Surf (hindi ko lang alam kong bar o powder), ika nga ng kaibigan ko, Criminal Water.

At ito na . At ito na talaga. Ang  hinihintay ko simula pa ng nagsimula ang bakasyon . Ang kainan sa school ko ngaun . Sa AdU . Hahah . Wala lang . Marami lang at masarap . Hehe .

Lahat ng papasok, gustong pumasok, naghihintay ng pasok, nagdadalawang isip pumasok, naghihintay ng pasok para hindi makapasok, pasok ng pasok pero hindi naman talaga pumapasok. PASUKAN NA !!!

Pansit Na Hilaw ..

The HiLaw !!

Hahaha .. Sino na ang nakatikim ng Crispy Pansit ? O mas magandang tawaging “HILAW NA BIHON” ? Haha .. Kay sarap naman nan buhay .. ^_^

Try niyo yan .. Sa Gerry`s Grill .. Hahaha .. Once you start , you`ll never _______ .. Kayo nalang magdugtong niyan .. ^_^

Hahaha ..

~!@#$%^&*()_+

(Thanks nga pla kay kuya omar sa pagkain.)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 399 other followers