Sisinghot..

Sembreak na!!! Pero parang hindi ko pa ramdam ang bakasyon, naiwan kasi ang puso`t isip ko sa eskwela. Nangangamba na baka bumagsak, nagiisip kung may mapapasa. Buti pa yung mga bata sa kalye namin. Takbo dito, “singhot”. Ahhhh! Taya ka!, “singhot”. Takbo palayo sa taya, “tulo sipon (nakalimutan suminghot)”.

Noong bata pa ako gustong gusto ko ang panahong ito. Ang mahabang panahon na wala akong iisiping bolpen at papel, walang assignment, walang gurong naninigaw at ang higit sa lahat walang guidance pag nakipagaway ako. Sa gantong panahon din ako pede maglaro hanggang sa mawalan ako ng lakas. Dati, ang pinakapaborito kong laruin ay yung pogs at teks.

Kaunting background sa mga parapernalya kong ito.

TEKS – ito yung maliliit na karton na hugis rectangle, na may nakalagay na guhit sa harap at likod nito. Mayroon din classic na teks. Yun yung komiks ung harapan, tas` blanko ung likod. Hindi ko na talaga ito naabutan, nakita ko lang dati sa may drawer ng lolo ko, mga isang dangkal din ata un. Yung mga classic na teks extinct na siya ngayon. Cool!

POGS – parang teks din pero mas makapal yung karton at pabilog ang hugis. Oo nga pala, walang classic (komiks) tong pogs. Kung meron man, baka lolo ng lolo ko pa ang nakalaro nun.

Kanina, ang aga ko nagising. Brownout sa bahay, kabagot. Nagikot-ikot ako `tas may nakita akong tumpok ng pogs sa may ilalim ng upuan. Tinignan ko kung anu-ano na ang itsura ng pogs ngayon at tulad ng inaasahan nagulat ako sa nakita ko. SHOCK!

Ayon sa napansin ko mayroon tatlong klasipikasyon ang pogs ngayon. Siguro o malamang ganto narin sa teks.

1. Anime/Cartoon-type Pogs or teks

- Heto! Matagal ko ng alam to. Noong bata pa ako, eto lang ang klase ng pogs at teks na makikita mo. DBZ(DragonBall Z), pokemon, gundam, slamdunk, barbie, hello kitty tska ang favorite ko sailormoon na pogs. Pero joke lang un. OO, JOKE NGA LANG! LOL! Lahat ng pambatang palabas na anime at cartoons nasa pogs at teks noon. Matitindi yan. Lagi kong gamit dating pamato si GOKU na may attack power na 9989999. Parang hotline number ng fastfood delivery. Hahaha.

2. Computer games-type Pogs or Teks

-Habang namamayagpagang computer games generasyon natin ngayon, pati mga pambatang laruan pinasok na nila. Sa totoo lang medyo naiingit ako. Sayang ang sarap siguro gamiting pamato si mirana o di kaya si traxex. Hahaha. Dota rules kahit sa pogs at teks. Pero hindi pa yan, dito ako mas natawa. May plants vs. zombies din na pogs. RAAWRR! BRAAIIINS! Tindi talaga. Nako! (Tip: Mas maganda gamitin si traxex, may attack power siya na 1000000, kesa kay mirana na pogs. Maganda rin ung wall nut na pogs. :D )

3. Real life-type pogs or teks

-akala ko matindi na ung number 2. Pero may mas titindi pala dun. Tatambling ka sa kakatawa. Tingin lang ako sa pogs na nakita ko. Lipat. Una kong nakita, Lebron James na pogs. Astig! Pati NBA may pogs narin. Lipat, lipat. Sunod kong nakita, Wowowee na pogs. Astig parin. Kahit mga noontime show meron ng pogs (although wala ng wowowee, sikat parin sila sa mga bata dito sa amin), sayang wala akong nakitang showtime na pogs “sample! sample!”. Lipat ule, lipat, lipat. WTF! OMG! WAAH! Mukha ni Manny Villar. Hahaha! Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Pano kung may naglaban na bata?

EKSENA:

Bata naglalaro ng pogs.

SANGKOT:

Bata 1 – pato si Manny Villar

Bata 2 – pato si PNOY

“Bata 2: TAYA NA!”

“Bata 1: Eto, nasa lapag. Tatapakan ko baka hanginin.”

“Bata 2 (titira): Oooopss! Akin!”

“Bata 1: Ayaw ko na! Ang lakas ng pato mo ehh. Sayo presidente sakin naliligo lang sa dagat ng basura. DAYA!”

Hindi ko siguro kakayanin kung ganto maglaro mga bata ngayon. Hahaha. Mapapaos ako kakatawa. Hindi narin ako magtataka kung sa susunod na mga panahon eh, may pogs o teks ng pampers o di kaya modess ung nakalagay.

“Bata 3: Ayaw ko ng sumali sa inyo! Grrrr! Akin na yang pamato kong modess, gagamitin ko pa yan bukas.” LOL! :) )

Paiba-iba man ang itsura, nakalagay, nakaguhit sa mga laruan ng mga bata ngayon isa parin ang layunin nito. Ang makapaglaro, makapagsaya, makipag-bonding ang mga bata sa mga kalaro nila. Ang sarap talaga maging bata. Uuwi, kakain, maglalaro, maghihilamos, tatae, matutulog. Lahat ng gusto pedeng gawin. NAKO! Those good old days nga naman. Singhot (naalala na suminghot).

Ikaw ano ba paborito mong laro o laruin ng bata ka? :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 399 other followers