Ahemmn… Hindi ko alam kung ano ang magandang intro dito, pero halina’t basahin ang mabahong post kong ito! COOL
Teka, unang beses ko to gagawin, isinulat ko muna sa papel ang gusto kong ipost tsaka nilagay dito. OO! Nagsulat muna ako, nag-draft at nagbura (sobrang daming bura). Badtrip nga kung kailan gusto ko magpost eh, ayaw naman maconnect ng laptop sa internet. RAWR! Nagugutom tuloy ako. >.<
Isa sa mga kahinaan ko ang pagsusulat. Ewan ko ba? Kahit anong pilit kong pagandahin ung sulat ko eh, parang inapi at ginulpi yung sulat ko. Syempre damay narin jan ung pagdrawing at kung anu-anong sining ng bolpen, lapis at papel.
At kung kalakasan ko naman ang itatanong mo, meron naman ako nun. At un ay ang pag-bura. HAHA. LOL. Sa bawat papel na hinahawakan ko, sa bawat papel na sinusulatan ko, sigurado may mali akong magagawa. Alam ko un! Imposibleng hindi ako magbubura kahit isang besesa sa ginagawa ko. Clumsy! Pero hindi rin. Dun lang talaga ako malakas. Let`s rock!
Mabilis akong makalimot sa mga bagay-bagay. Minsan nga pati pangalan ng kamag-anak ko eh nakakalimutan ko. Siguro dahil narin sa “stress” na tinatawag, kaya ako ganto. Pero bata palang ako ganto na ko. Ngayon nga, panay ang hawak ko sa pantalon ko, nakalimutan ko kasing kung san ko tinabi ung belt ko. Sigurado hindi ako pedeng makipaglaro ng habulan ngayon. Ilang hakbang ko palang kita na agad ang underwear ko at ang iniingatan kong si Totoy. (Totoy – ung pera ko. Oo. Nagiipit pa ko ng pera sa brief ko, pero minsan lang.
)
Maraming tao ang madaling makalimot, pero mas marami ang hindi. Ewan ko ba kung ano ang pinanghahawakan nila sa buhay. Masarap. Sobrang sarap pag wala kang hinanakit sa buhay, sa kapwa mo o sa kahit na ano. Sabi nila (baka tsismis lang), kapag nagtanim ka ng sama ng loob, maglalabas ng kakaibang toxin ang katawan mo at kinalaunan pwede itong maging cancer. Kaw? Gusto mo kanser?
Yung buhay para ring papel. Bawat sulat, nakatatak. Kung lapis lang ang pinangsulat mo, pangmadalian lang to, pwedeng burahin. Pero napakalaking usapan kapag bolpen na ang ginamit mo. Hindi tulad ng lapis pambura lang mabubura na, pero pag bolpen magiiwan to ng marka ng pagbura, minsan masasabi nating maganda ang kinalabasan ng pagbura mo, dahil mapapalitan mo ung maling nagawa mo ng mas maganda, pero syempre nandun parin ung dumi ng pagbura mo.
Naku-naku. Kay dumi nga naman. Hahaha. <—BURA