Internetable ..

Grrrr! Ilang araw na akong hindi nakakain ng maayos. Dati rati ang sipag nilang magluto. Gigising ako, tatayo, maliligo, magbibihis at kakain. Ganun! Tapos uuwi, magbibihis, mag-aaral, tapos kakain. Diba? Ang sarap mabuhay? Pero ang mga pinoy nga naman. Puro umpisa lang, hindi rin nagtagal ang maliligayang araw ko. Ngayon ang ginagawa ko nalang sa bahay eh, matulog, maligo at magaral. Yun at yun nalang. Anyways, hindi ko rin naman gusto yung mga niluluto nila. (Hahaha. Bitter!)

Teka`teka. Punta tayo sa tunay na usapan. Na-try mo na bang hanapin ang pangalan mo sa internet? I-google ang whole name mo at isa-isahin ang mga webpages na lumabas? Ako hindi pa. Pero ito, itatry ko na!

Diba ang sarap sumikat? Yung sa bawat sulok ng makamundong internet eh, kaw ung pinaguusapan. Laman ka ng status ng Facebook. “Waaah! Inadd ako ni Punongkahoy sa Facebook! Friend ko na siya. Harhar!”. O kaya sa twitter. “I love Punongkahoy berimatch”. Mga ganun bagay? Hindi ba parang nakakapanlaki ng ulo? Hahaha.

(Teka usapang ulo muna. Gumulong ako kakatawa nung magreact ung kasama ko kay Charisse <tama ba spelling ko?> Pempengco. Mapapanood na daw siya sa GLEE bukas. Sabi ba naman niya. Nakakaasar naman to si CP hindi lang sa literal malaki ang ulo. Haha. Pati ba naman si CP pinagiinitan. Hahaha. Oh well.)

Sa generasyon natin ngayon. Hindi ka IN pag wala kang friends sa friendster. Tiga-bundok ka pag hindi ka nagtwitweet sa twitter. At sasabihing baka kapatid mo si Lapu-Lapu pag hindi ka marunong magFarmville sa Facebook.

Ang daming tulong ng internet ngayon, assignment mo, dati encyclopedia at napakaraming libro ang katapat, ngayon si wikipedia lang, SOLVE kang assignment ka. Dati sasakit muna sa kakasulat ang kamay mo, para mapadalahan ng sulat ang tatay mo. Ngayon, mata mo nalang sasakit kakatype ng e-mail sa tatay mo. Hindi ba? You could enjoy life to its fullest.

Pero siyempre hindi lang maganda lahat ang nabibigay nitong internet.

Sa internet ngayon may cybersex.

May Hentai, porn at kung ano-ano pang malalaswang bagay.

Wala kang privacy. Kahit sino pwede kumuha ng picture mo. O kahit ang pagkatao mo mismo.

Nagiging tamad ang mga tao.

AT pwede kang MAGBLOG. (joke!)

Sobrang daming dahilan. Sobrang daming dahilan na kinaganda at kinasama ng internet sa atin. Halos lahat na ng bagay dinadaan sa internet. How to cook .. How to prepare.. What is the .. How much is.. Where do i find .. Who is your crush.. Who am I..
LAHAT! as in lahat nasa internet na. Meron kayang mga kompanya na bago ka ihire sa kanila eh, isesearch muna ung name niyo sa internet. Tapos kabahan ka, paglumabas sa search engine eh mga kriminal, estafa, murder, pickpocket, arson o trespassing kasama ang pangalan mo. Syempre magrereklamo ka. Baka kapangalan mo lang un. O naninira sayo. Pero wala ka ng magagawa, ganun talaga. Malas mo! Kaya nga ang panahon natin ngayon is internetable ehh. Lahat nadadaan sa internet. HAHAHAHA!!

(Tapos ko na isearch ang pangalan ko! Wala namang maganda lumabas sa Google. badtrip! sabi na eh. HINDI AKO SIKAT!)

2 Comments

  1. Ka Loren said,

    September 23, 2010 at 6:07 am

    base lang muna parekoy…sikat ka e… :D

  2. September 24, 2010 at 7:24 pm

    tama nagiging tamad ang mga tao dahil sa net ahaha..isa na ako doon..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 399 other followers